Tawagin na lang natin sa pangalang Badette ang babaeng ito.
Sa 700+ friends ko sa Facebook, isa sya sa madalas na
profile na aking ibinuview.
Tulad ngayon, Nag upload na naman sya ng bagong pictures sa
facebook.
Ayos! May pagpefiestahan na naman ang aking mata sa pag suri
ng kanyang anyo. Kung ano ang suot nyang blouse, sapatos, shorts o kung
nakapantalon ba sya,kung anu man ang bitbit nyang bag, Kelangan kong ma check
ang mga iyon!
Hindi yata ako papayag na mas in sya sakin. Lalo namang
hindi ako papayag na matatalbugan nya ko sa pagandahan portion at pa astigan ng
porma, hello? ako pa ba papakabog? Aba aba, Wala sa description sa CV ko ang ma
ungusan ng iba partikular na ng babaitang ito!
Ang eksena, she went on a lunch & coffee date with her chums last Saturday. Wow, sounds sociable!
Agad agad kong chineck ang photos ng uploaded album nya na
may title na “AN AFTERNOON DATE WITH MY SOUL SISTERS”. Ganun siguro ka “tight”
ng bonding nila para tawagin nyang soul sisters ang dalawa nyang friends na mga hindi naman kagandahan sa aking opinyon, pala ayos lang. Infairness, Nice album title ah.
Maayus ang pagkakamake up nya ngayon, Walang masyadong
foundation. Normal na kasing tanawin sa previous photos nya ang parang
nakapagmiryenda sya ng foundation. Hindi ko alam kung bakit pero mukha sya
laging humuhulas, masyado sigurong light para sa totoo nyang balat yung kulay
ng foundation nya kaya konteng pawis lang, mukha nang natutunaw ang kanya
mukha. As usual, naka arko na naman ang
kilay nya na guhitado ng eyeliner, rounded medium arch. Manipis.
Medyo sablay ang eye shadow nya, masyadong OA para sa
okasyon, Neutral and plain ang ginamit nyang lipstick color, there’s nothing
much going on, Boring. A lighter shade of pink blush on. Hindi akma ang mga
koloreteng ikinulay nya sa kanyang kalakhang mukha. Sayang. Hindi sya
kagandahan pero malakas ang karisma nya. May x factor ika nga. Kundangan lamang
at maling pag aayos ang kanyang ginawa kaya hindi nabigyang hustisya ang
kanyang charm.
She’s wearing a red & black checkered flowing
sleeveless. Ummm, hindi nagcompliment sa morenang skin nya, A khaki fitted trouser and a black flats,
oversized (para sa kanyang height) na black handbag. Hindi ako na impress sa
over all outfit nya. Tamang pang lunch o pang kape ang attire pero mali ang mga
kombinasyon ng kulay at style ang kanyang ginamit. Hindi tulad nung mga
nakaraang uploads nya. Napangisi ako, sa isip ko, “Mas kabog yung outfit ko
nung huli ako nagpunta sa St*rbxcks”.
Hindi naman sa pagbubuhat ng sarili kong upuan (pero parang
ganun na din), madalas akong mapuri sa aking pananamit. Ordinaryo na sakin ang masabihan ng “nice
outfit” o kaya naman ay “ you look fab”. Minsan nga pakiramdam ko eh iniinsulto
na ko ng ibang tao dahil kahit simpleng white tee at fitted jeans lang ang suot
ko, nadidinig ko pa rin ang mga ganung kataga. Naisabuhay ko yata kasi ang
America’s Next Top Model, Para kong adik na ang tingin ko kay Tyra Banks ay parang Si Chef Sandy Daza sa tuwing nagtuturo sya ng mga pointers sa pagululuto. Dito ako nakakuha ng mga
ideya sa tamang pananamit at isama mo narin ang gawing inspirasyon ang ilan sa
aking mga paboritong star personalities like Jennifer Lawrence, Alexa Chung,
Kirsten Dunst at siyempre pa si Miley
Cyrus (Take note, nagustuhan ko si miley mula nung nagbagong image sya, edgy +
astig hairstyle).
Casual Chic – yan ang
aking forte, natutunan kong mag mix n match at mag color blocking, kapag plain
ang aking suot, Loud accessories ang ipapartner ko, Pero most of the time I
like to play it plain and simple. Less is more ika nga. Kaya ganun na lamang
ang aking paghagalpak nung Makita ko yung outfit ni badette na nagpaalala din
sakin sa kurtina ng PVP Liner Bus.
Siguro nga’y angat ako kay badette sa ibang bagay pero hindi
ibig sabihin nun eh ako na ang bida! dahil kung gayon man, hindi ko na sana
isinulat ang blog na ito.
Sanay din naman syang pumustura, sablay lang siguro nung
nakipag afternoon date sya! Ang forte ni badette ay glam punk. Effortless sya
pag ganyang tema.
Inuuri din ni badette ang bawat itsura ko. Madameng get
together at okasyon na ang pinagsamahan namin at asahan mo na ang lahat ng yun
ay tunggalian ng outfit naming dalawa! (Lamang ako dati pero ngayong nag gain
ako ng timbang, lumalaban at bumabawi na si badette). Madalas din kaming
magkahulihan ng tingin ng may ngiti, alam naman namin sa mga sarili namin na
ang mga tinginang iyon ay may halong
pagmamatyag.
RIVALRY. Yan ang pinagsimulan ng lahat. Rivalry sa madameng
bagay na kung iisa isahin ko eh baka malaman nyu na ang totoong pagkakakilanlan
ng aking katunggaling si Badette.
Sa totoo lang may pinagsamahan din naman kami ni Badette.
Ilang beses na naming napatunayan na halos magkamukha kami ng hilig sa madameng
bagay. Mas liberated at agresibo lamang sya kesa sa kin. Kung ako ay frustrated
model, si badette ay may reputasyon ng pagiging frustrated hooker/bitch.
Matunog ang pangalan nya sa aming lugar sa larangan ng pagiging hitad, at ang
nakakatawa dun, sya ay self proclaimed flirt. Sa kabila nito, Madami din ang nahumaling sa kanya, mas
madami sa mga naging boyfriend ko….ng seryoso.
Malayo sa hinagap ko na ipakilala ang aking sarili na kagaya
ng kay badette. Sa pag uugali, malaki ang pinagka iba namin. Siya yung tipo na
walang pakialam sa sinasabe ng iba at proud pa na matawag na alembong. Ako
naman ay takot ma –labelan ng ganung marka. Sa kategoryang “Classy” ko hangad
mapabilang. Ngunit may parte sa aking loob ang marahil nais maging gaya nya.
May mga nakikita akong kulang sakin na nag uumapaw kay badette. Pihadong may
kakulangan din sya s kanyang personalidad na marahil ay sobra naman sakin.
Alam ko na hindi mabuting gawa ang ikumpara ang sarili sa
kapwa. Pero hindi naman dahil ganyan ang
isang tao eh kampon na sya ng kasamaan. Tingnan natin sa positibong aspeto. Sa aking halimbawa,
Hindi ko ginagawa ito para ibaba ang pagkatao ni badette, sabihin na lang natin
na sya ang aking “motivating Force” para hindi ma stuck sa typical na ako lang,
o pwede ko bang sabihin na hindi lang talaga ko magpapakabog?
Para sayo badette, Alam kong binabasa mo to, wag kang anu jan!
pasasaan ba’t sigurado kong gagawa ka din ng sarili mong blog site! Isa lang
sana ang request ko, Let’s keep the competition Healthy! :)
Hahahaha, i love reading this. ikaw na ikaw para ka lang nasa tabi ko sa bus na nagkukwento Anne.
ReplyDelete